Female celebrity nakarma, hinuthutan lang ng ex-boyfriend

 

KILALANG-KILALA ang isang female personality sa pagiging wise sa pakikipagrelasyon. Nagmamahal siya, totoo ‘yun, pero maraming nakakaalam na kasabay ng pagmamahal niya sa lalaki ang mga pailalim niyang drama.

Maraming nagsasabi ng kapag nakipaghiwalay siya sa kanyang boyfriend ay siguradong tagilid na ang bangka, wala nang gaanong datung, kaya hindi na tumatagal ang pakikipagrelasyon ng female perso-nality.

At nagkakataon ngang ganu’n ang senaryo, kapag hindi na gaanong madatung ang lalaki ay saka naman nagiging kasunod nu’n ang pakikipag-break ng girl, ‘yun ang tatak na meron siya.

Pero matalino man daw ang matsing ay napaglalalangan din, nagkaroon ng katapat ang female personality, sa halip na siya ang manggetlak sa lalaki ay siya ang literal na binutasan ng bulsa ng isang naging boyfriend niya.

Kuwento ng aming source, “Ano ‘yun, pala-ging siya lang ang puwedeng mangangkong sa guy? Nagtagumpay siya nang maraming beses, pero meron siyang naka-tapat na mas matindi pala kesa sa kanya!

“Mautak siya, pero mas mautak ang guy, napaikot siya nu’ng lalaking ‘yun, nahilo talaga siya nang todo, dahil ang ga-ling-galing ng user na guy!

“Sumuka siya sa lala-king ‘yun, talagang shopping kung shopping ang palaging date nila, buy nang buy ang guy, swipe lang nang swipe ng card niya ang girl!

“E, napakahilig pa naman sa branded ng lalaki, kaya ang mahusay ma-ngangkong ng datung sa mga dati niyang karelas-yon, talagang pinasuka nang husto nu’ng boyfriend niya!” natatawang kuwento ng aming source.

Huli na kuno nang maramdaman ng girl na sobrang user pala ang aktor, kaya gumawa siya ng paraan para maghiwalay na sila, wala nang nagawa ang lalaki nang magdesisyon ang aktres.

Huling kuwento ng aming impormante, “Hala, mautak talaga ang girl! Lahat ng nalugi sa kanya sa ex niyang guy, e, binawi niya naman sa kasunod niyang BF!

“Talagang hinipatan niya nang husto ang guy, lahat ng gusto niya, buong-ningning niyang hiningi sa lalaki, kaya tagumpay ang girl! Nabawi niya ang lahat ng isinuka niyang datung sa ex niya.”

Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, pramis, kilalang-kilala n’yo kung sino ang female personality na ito. Wala siyang mina ng ginto, pero parang meron, dahil sa galing niyang maghukay ng kayamanan sa mga nakakarelasyon niya.

Read more...