Gen. Bato nagsuot ng wig, may mensahe kay De Lima

14641945_1102351966479838_1933654605835615723_n

NAG-TRENDING sa social media ang litratong ipinost ni PNP Chief Dir. Gen. Ronald “Bato” dela Rosa na talaga namang pinag-usapan ng bonggang-bongga ng mga netizen.

Ikina-shock at ikinahagalpak ng mga followers at friends ni Gen. Bato ang nasabing photo na ipinost niya sa Facebook kung saan makikitang nakasuot ng wig ang heneral.

Nilagyan niya ito ng caption na patama sa kontrobersyal na si Sen. Leila de Lima, aniya: “You may or may not answer this question: Who is more handsome, me or Secretary (Vitaliano) Aguirre?”

Kung matatandaan, sinabi ni Sen. De Lima sa isang episode ng hearing sa Senado tungkol sa mga akusasyon sa kanya sa “Bilibid drug scandal”, na ang mga ebidensya ni Sec. Vitaliano ay peke tulad ng kanyang wig.

Read more...