“INI-ENCOURAGE ko sila na labanan ang mga troll. Iyong mga nagpapalaganap ng kasinungalingan sa social media. Kaya magulo kasi we are at war. Mayroong giyera kasi nga we have two sides. Mayroon tayong side ng kabutihan at side ng kasamaan.”
That was Mocha Uson’s message which, sadly, had one Twitter handler laughing.
“This has to be the most ironic and hypocritical statement of the century by the queen of trolls herself,” said @krizzy_kalerqui.
Who was Mocha alluding to? Ang mga kakampi rin ba niya?
Actually, pagsabihan niya dapat ang mga minion niya. Kung maka-bash sila kasi ay parang sila na ang pinakaintelihenteng tao, sila na ang pinaka-perfect at walang flaws.
Look at what they did to Agot Isidro? Hindi ba’t kaliwa’t kanang bash ang ginawa nila. Hindi naman nagnakaw si Agot. Hindi naman siya nagmura. Hindi naman siya pumatol sa kung sino-sinong lalaki. Hindi naman siya nagbilad ng katawan niya para lang kumita ng pera pero kung i-bash siya ay ganoon na lang.
If they can do that to Agot, they can do that to anyone who is a lesser achiever.
Just tell me, marangal ba ang maghubad? Ang magpakita ng katawan ng isang babae? If that’s marangal, aba, i-encourage nga ninyong magpakita ng katawan ang mga babae?