Kailan magkakaroonng seryosong boyfriend?

Sulat mula kay Adelfa ng Cabantian, Buhangin, Davao City
Dear Sir Greenfield,
Ako ay 27 years old na nitong nakaraang October 13. Nagtataka lang ako sa kapalaran ko kung bakit lagi akong bigo lalo na sa pag-ibig. Marami na akong naging boyfriend pero wala namang nagseryoso at nagtagal? Sa ngayon malapit na naman ang Pasko pero wala akong boyfriend. Nais ko pong malaman kung kailan ako muling magkaka-boyfriend at kung sakaling magka-boyfriend na uli ako, hindi kaya ako mabibigo at luluha uli at kahit kaya may nakaraan na ako, papakasalan pa rin kaya ako ng lalaking magiging boyfriend ko? October 13, 1989 ang birthday ko.
Umaasa,
Adelfa ng Davao City
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Matapos na mabiyak at magkaroon ng maliit na bilog ang Heart Line (Illustration 1-1 arrow 1.) sa iyong palad, kapansin-pansing sa gitna at dulong bahagi ng Heart Line ito ay tuluyan ng nabuo, luminaw at at gumanda (arrow 2.). Ibig sabihin sa kalagitnaang bahagi ng iyong edad kusa ng gaganda ang iyong kapalaran sa larangan ng pag-ibig at pakikipag-relasyon.
Cartomancy:
Queen of Spades, Jack of Hearts at Seven of Hearts ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing sa darating na taong 2017, tuluyan ng matatapos ang iyong suliranin sa larangan ng pag-ibig at pakikipag-relasyon, kung saan, isang lalaking kasing edad mo rin na medyo maputi ang kulay ng balat ay may kaya o kilala ang angkan ang iyong makikilala at makakadaupang palad hanggang sa tuluyan mo na rin siyang maging boyfriend.
Itutuloy….

Read more...