Boyet sa mga artistang durugista: Demonyo yan, demonyo talaga ang droga!

 

NA-SHOCK si Christopher de Leon nang mabalitaan niyang naaresto ang inaanak niyang si Mark Anthony Fernandez at nakumpiskahan ng isang kilo ng marijuana.

Sabi ni Boyet, “Oh, wow, wow! Shocked! A kilo of marijuana? That’s kinda hard to tackle. Hopefully one of these days I can visit my inaanak. Just be there, just visit him and make him feel that we care.

“Kasi wala ka namang masasabi, pag nandu’n ka sa loob, masasabi mo bang, ‘Kumusta ka?’ or ‘Okay ka lang ba?’ Ang hirap… kasi ang kulungan talaga is hell, it’s hell!”

Ikinuwento pa ng veteran actor ang nasaksihan niya noong nakulong ang pamangkin niyang si Tony Boy Lejano, anak ng kapatid niyang si Pinky de Leon, na isa sa mga nasangkot noon sa Vizconde massacre (1992), kasama ang anak ni Freddie Webb na si Hubert Webb.

Kuwento pa ni Boyet, pagkatapos mapawalang-sala sa kinaharap na kaso, maayos na maayos daw ang buhay ngayon ni Tony Boy at wala raw ginawa kundi mag-travel.

Pinayuhan pa ng award-winning actor ang mga kapwa celebrities na involved sa drugs na tigilan na ang bisyo bilang suporta sa kampanya ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa illegal drugs.

“Tama na, tama na yung pakinggan natin ang Presidente. Let’s get serious, let’s stay away. Demonyo ‘yan, demonyo talaga ‘yang droga, alam ko ‘yan.

“I’ve been there, I’ve done that and the only way that I was delivered from that was God. So, tamang-tama lahat ‘yan, sana maging way nila is to surrender themselves to our Maker,” pahayag pa ni Boyet nang makapanayam ng ilang entertainment media sa presscon ng bagong movie ng Regal Films, ang “The Escort”.

Inamin pa ni Boyet na halos nawala sa kanya ang lahat nu’ng malulong siya sa drugs, “During those days na I was taking it, I was losing everything. I was selling stuff, nobody wanted to get me for projects anymore.

“Yung family ko, iniwan ako. Wala kang panalo diyan. Hang on to God, He will make a way for you,” seryosong sabi pa ng aktor.

Samantala, excited na si Boyet sa nalalapit na showing ng “The Escort” dahil naniniwala siyang ikagugulat ito ng mga manonood. Aniya, sa daan-daang pelikulang nagawa na niya, kakaiba raw ang

Read more...