KUNG sa Encantadia ay sukdulan ang kasamaan ni Glaiza de Castro bilang si Sang’gre Pirena, kabaliktaran naman ito sa tunay na buhay.
In fairness, malaki ang puso ni Glaiza para sa mga mahihirap nating kababayan. Sa katunayan, marami siyang tinutulungan ngayon na hindi na niya ipinagyayabang.
Kamakailan lang ay nagsagawa siya ng isang Fun Run event para makatulong sa mga nangangailangang bata sa Valenzuela. At sa darating na Oct. 22, magkakaroon ng chance ang mga fans ni Glaiza na mapanood siya sa isang charity showcase at fan meet.
Ayon kay Glaiza, mapupunta ang kikitain ng nasabing event sa PGH Pediatric Cancer Ward. Hindi lang siya blessed with talent, blessed din siya with a good heart!
Samantala, kung nagpapakalat ng good vibes si Glaiza, patuloy namang naghahasik ng lagim ang karakter niya sa fantaseryeng Encantadia na napapanood pa rin after 24 Oras sa GMA Telebabad.
Sabi ni Glaiza, maraming-marami pang gagawin si Pirena sa kaharian ng Encantadia at siguradong mas magiging kasumpa-sumpa pa ang mga susunod niyang plano para makuha ang kapangyarihan ng lahat ng Sang’gre.
Samantala, trending topic naman gabi-gabi ang mga eksena ni Alden Richards sa Encantadia bilang Mulawin na si Lakan. Talagang todo pa rin ang suporta sa kanya ng AlDub Nation kahit na hindi niya kasama si Maine Mendoza.