MATAGAL bago nakumbinsing sumali sa beauty pageant ang bossa nova singer na si Shirley Vy, ang Filipino-Chinese na kinoronahang 2016 Miss Chinatown kamakailan.
Sa isang confidently beautiful with a heart episode ng “ShowbizLive” hosted by Ervin Santiago and Izel Abanilla, (ipinalalabas tuwing Miyerkules, 8 p.m. sa Radyo Inquirer, TV Plus, Inquirer.net at Bandera Facebook page), nagkuwento si Shirley tungkol sa naging experience niya sa pagsali sa beauty contest sa kauna-unahang pagkakataon.
Bilang reigning Miss Chinatown, siya ang magiging representative ng Pilipinas sa gaganaping Miss Chinese International sa Malaysia sa Enero 15.
Bukod sa pagkakaroon ng dugong Pinoy at Chinese, may Spanish blood din siya na galing naman sa kanyang ina.
Paano siya napilit na mag-join sa Miss Chinatown? “It all started with my bestfriend, siya ‘yung nag-encourage sa akin na sumali for experience. She told me na I will definitely learn a lot from there. And sabi niya sa akin it will be a good exposure as well for your career.” kwento ni Shirley.
Hindi raw talaga kasi sya mahilig sumali sa mga pageant at kahit noong bata pa siya ay hindi niya na-imagine ang sarili na magiging beauty queen. Unexpected nga ang pagkapanalo niya dahil aminado siyang hindi siya katulad ng ibang beauty queens na talagang matatangkad.
For her ang tingin niya sa pagkapanalo niya ay dahil sa pagiging confident, “Kaya nga ang hashtag ko all throughout the pageant was ‘convydence’. Confidence na ginawang convydence kasi I’m Vy. And despite of my height, it doesn’t make me anything less.”
Aside from being beautiful and brainy ay talented din ang dalaga. Graduate siya ng Nursing pero hanep din ang kanyang boses. Meron na nga siyang album under Universal Records titled “Simply Bossa” na may mga cover song like “You Are The Sunshine of My Life” and “How Deep Is Your Love.”
Mahilig talagang mag-perform si Shirley kasi noong bata pa siya ay gustung- gusto niya ang acting at singing na naging extra curricular activities niya sa school.
Dream niya talagang maging artista, gusto raw niyang maka-inspire ng maraming tao.
Natanong din ng “ShowbizLive” hosts ang singer-beauty queen kung marami bangboys ang lumalapit at
nanliligaw sa kanya, “Wala kong boyfriend…pero I’m seeing someone.”
Tungkol naman sa kultura ng mga Chinese, she was asked kung meron pa bang mga arranged marriage sa kanila, sagot Shirley although meron pa ring mga pamilya na nagpa-practice ng ganu’n ay marami na rin ang mga open minded.
Personally ay hindi sang-ayon si Shirley sa arranged marriage, buti na lang daw ay open-minded din ang parents niya.
“My father’s Chinese and my mother’s a Filipino. I know kung paano nila ipinaglaban ang pag-ibig nila sa grandparents ko. At laging sinasabi ng parents ko ay depende yan sa tao. Ang importante you have trust, love and respect from one another,” sey ni Miss Chinatown.
On political issues, kung ire-rate niya si Pangulong Rodrigo Duterte, 8 ang ibibigay niya, “Agree naman ako na dapat bigyan natin ng action ang illegal drugs lalo na sa mga kabataan.”
Hindi lang siya agree sa mga killing, dahil pro-life ang stand niya at para sa death penalty ang sagot niya ay isang malaking “NO!”
Quickie talk with Shirley Vy
Chinoy o Pinoy? Chinoy
Long or short? Long
Taiwan or China? China
F4 or One Direction? F4
Pageant crown or fulfilling lovelife? Fulfilling lovelife
Singing or Dancing? Singing
Lalaking gusto ng parents mo o lalaking gusto mo? Lalaking gusto ko
JaDine, KathNiel, o AlDub? Ang hirap…ah AlDub.
Most embarassing moment? Very clumsy ako, so noong sumali ako sa pageant medyo natapilok ako, natapakan ko yung gown ko.
Weird thing about you? Kinakausap ko yung sarili ko almost everyday. Humaharap ako sa salamin at sinasabi ko lang madalas, ‘kaya ko to.’
Have you ever sent flowers to a man? No
Have you ever seen a ghost? Hindi pa! Ayoko!
Have you ever dialed a number and forgot who you called? Yes. Makakalimutin ako, eh.
Have you ever kissed a friend? Oh my God! Nanonood parents ko! Ha-hahaha. Sige honest na ko. Yes.
Bestfriend or boyfriend? Bestfriend
Secret celebrity crush? Sam Milby
One thing people should know about you? I’m a goal-getter. Kasi kahit gaano kahirap yan basta may motivation kayang kaya yan.