Matutupad na ba ang pangarap na makapag barko? (2)

Sulay mula kay Jonel ng San Nicolas, Toril, Davao City
Problema:
1. Kaga-gradweyt ko lang po ng kursong Marine Transportation nitong nakraang 2015 at sa ngayon po ay nag-aaplay ako para makasampa sa barko. Kumpleto naman ako ng mga papeles at marami na rin akong training na na-attenand, pero bakit kaya hanggang ngayon ay hindi pa rin ako tinatawagan ng agency ko.
2. Sa palagay nyo may pag-asa pa kaya akong makapag-barko at kung may roon pa kailan naman kaya ito matutupad? Ito po kasi ang pangarap ko sa buhay ko simula pagkabata, ang makapag-barko at makarating sa ibat-ibang lugar. March 14, 1994 ang birthday ko.
Umaasa,
Jonel ng Davao City
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Pisces (Illustration 2.) ang nagsasabing sa paglaot sa karagatan tunay kang magiging maligaya at sa malalayong lugar mo matatagpuan ang kaaliwan ng iyong kaluluwa. Kaya sa sandaling nakapag-layag ka sa dagat, siguradong masayang-masaya ka na magaganap sa tulong ng isang kakilalang isinilang sa zodiac sign na Cancer.
Numerology:
Ang birth date mong 14 ay nagsasabing sa sandaling nakapag-abroad ka, tuloy-tuloy na yon at walang tigil hanggang sa bandang huli dahil sa walang sawang paglalayag sa ibat-ibang lugar, halos mapupuntahan mo na ang lahat ng lugar sa daigdig na ikagagalak ng iyong puso, at dahil din sa pagbabarkong ito, ikaw yayaman ay uunlad ang buhay ng iyong pamilya.
Luscher Color Test:
Upang lalong maging paborable sa iyo ang kapalaran, at siguradong matuloy ka ng makapag-seaman, lagi kang magsuot ng kulay na berde at pula. Ang nasabing kulay ang magbibigay sa iyo ng mas marami pang positibo at magagandang kapalaran.
Huling payo at paalala:
Jonel kakaibang kapalaran ang nakatakdang mangyayari, basta’t ituloy mo lang ng ituloy ang iyong lakad at pagpa-fallow-up ng iyong mga papeles, dahil tiyak na ang magaganap, tulad ng nasabi na, sa taon din ito ng 2016 sa bago sumapit ang pasko, pinaka-matagal na sa Nobyembre matutupad na ang iyong pangarap – makapagbabarko ka at ito na rin ang magiging simula upang tuloy-tuloy mong marating ang ibat-ibang panig ng mundo, hanggang sa tuluyang kang lumigaya, uunlad sa aspetong pang materyal hanggang sa tuluyang yumaman.

Read more...