TAUN-TAON ay nagpapa-drug test si Piolo Pascual bilang bahagi ng kanyang yearly check-up.
Kilala ang Kapamilya actor sa pagiging health buff, talagang maraming humahanga sa kanya pagdating sa pagiging health conscious.
“As a family, kasama din ‘yun sa yearly general check up just to make sure and whatever happens at least you know, di ba?” paliwanag ni PJ.
Pinayuhan naman ng aktor ang mga kapwa celebrities na gawin din ang yearly drug test, lalo na ngayong mas tumindi pa ang kampanya ng gobyerno laban sa ilegal na droga.
“Tsaka para hindi ka na ma-random (drug test) or sabi nga nila kapag hindi ka nag-voluntary drug testing they issue a warrant or whatever, so if you’re not guilty then show it,” ani Piolo nang makachikahan ng ilang entertainment writers sa presscon ng “SunPiology Run: Sugar Wars” na magaganap sa Nov. 19 sa Camp Aguinaldo, Quezon City.
Isa rin si Piolo sa mga sumusuporta kay Rodrigo Duterte lalo na sa anti-drug campaign nito pero hiling ng aktor na huwag nang ituloy ang balak ng otoridad na pangalanan ang mga artistang gumagamit ng droga.
“Sana huwag naman kung pwede naman nating sabihan privately para hindi na ma-embarrass at least they will learn,” punto ni PJ.
Payag din si Piolo kung kukunin siya ni Duterte na maging ambassador sa anti-drug campaign ng pamahalaan.
“Why not? I have my certain advocacy you know parang you want to use your influence in a right way na din and use your image to be a good example at least pati ikaw you’re always in check,” pahayag pa ng Kapamilya leading man.
Nalungkot naman daw siya nang mabalitaan ang pambu-bully ng netizens kay Agot Isidro matapos nitong tawaging “psycopath” si Digong, “I feel bad. I feel bad for Agot for whatever’s happening. But we believe in what we believe in. I’m not in the position to comment on that, you know. That’s their opinion and that’s their stand. Respetuhan lang.”
Pinaninindigan din ni Piolo ang 100% na suporta niya kay Duterte sa kabila ng pagkontra ng maraming Pinoy, “I’ve always been for Duterte, ever since. Pero siyempre, in this business, whatever you say is magnified. I’ll just pray for him. I need to pray for our President, we need the President – regardless, yun lang.”