AHA Horror Fest ni Drew 1 buwang mananakot

drew arellano

ISANG buwang punong-puno ng kilabot, saya, at kaalaman ang hatid ng paborito n’yong AHA! ngayong Oktubre sa “AHA: Horror Fest” kasama si Drew Arellano.

Tatlong “mini-movie” ang itatampok ng AHA! Sisimulan ito ng “Gamer” ngayong Linggo (Oct. 16). Kuwento ito ng isang gadget geek na sa sobrang pagkahumaling sa augmented reality gaming applications ay mapapadpad sa isang lumang bahay na tila puno ng hiwaga at kababalaghan.

Susundan ito ng “Maria, Maria” sa Oct. 23. Sa paghahanap ng isang kakaibang “sembreak”, makakadiskubre ang magbabarkada ng isang kahindik-hindik na lihim na akala nila’y matagal nang nailibing sa limot.

At sa Oct. 30, bibida naman ang kuwento ni “Matilda”. Isang batang taga-lungsod ang bumisita sa kanilang probinsya. Hindi niya akalaing ang tila boring na trip para sa kaniya ay may dala palang takot at pangamba.

Pero, may katotohanan nga ba ang misteryo, katatakutan, at kababalaghan na mararanasan ng mga bida sa kuwento? O ang mga pangyayari bang ito’y kaya palang ipaliwanag ng siyensiya?

Sasagutin lahat ‘yan sa three-part special na “AHA: Horror Fest” kasama si Drew Arellano. Simula na ito ngayong Linggo, 8:15 a.m., sa GMA 7.

Read more...