Robin pabor sa paggamit ng medical marijuana sa Pinas

robin padilla

ISA rin si Robin Padilla sa mga supporters ng legalization ng medical marijuana sa bansa.

Dahil sa pagkamatay ng batikang aktor na si Dick Israel, muling nanawagan ang action star na sana ay mas maging bukas na ang isipan ng gobyerno hinggil sa usaping gawing legal ang medical marijuana.

Sinabi pa nitong biktima umano ng “marijuana opression” si Mang Dick na matagal ng may karamdaman at nakikipaglaban nga sa sakit bago pa man ito nasunugan ng bahay some months back.

Matatandaang isa si Robin sa mga unang-unang artista na nagparamdam sa gobyerno sa usaping droga sa showbiz. Ito ang unang nanawagan at nakiusap na huwag basta-basta ilabas sa publiko ang mga celerities na nasa drug list ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Read more...