Tsugihan portion na naman sa Superstar Duets ng GMA

superstar duets

NGAYONG Sabado, ang pitong celebrity contestants malalagasan ng isa sa 2nd elimination night ng Superstar Duets ng GMA 7.

Sino sa apat na pares na nasa bottom group ang kailangan nang magpaalam? Ang rocker tandem nina Joross Gamboa at Ibon Jovi? O, ang pop duo nina Rita Daniela at Ma-katy Perry?

Ito na kaya ang katapusan para sa tambalang Denise Barbacena at Cher Gil, o magagawa nilang talunin ang mag-partner na Jerald Napoles at Gutom Jones?

Saksihan ang matitinding performances ng mga contenders at ang isang kahindik-hindik na sorpresang tiyak na ikagugulat ng lahat. Abangan din ang rebelasyong tungkol sa buhay ng apat.

Huwag palampasin ang nag-iisang biritawanang celebrity singing competition sa telebisyon, ang Superstar Duets ngayong Sabado hosted by the Ultimate Star Jennylyn Mercado kasama ang mga super judge na sina Allan K., Aicelle Santos at Christian Bautista, pagkatapos ng Magpakailanman sa GMA.

Read more...