PNP Chief Bato nag-viral dahil sa suot na wig

NA14641945_1102351966479838_1933654605835615723_nG-viral si Chief PNP Director General Ronald “Bato” dela Rosa nang magsuot ito ng wig, nagpa-picture, nagpost sa Facebook at saka itinag si Senador Leila de Lima.

Sa post niya sa kanyang Facebook fan page Huwebes ng gabi, ipinakita niya ang kanyang kuhang larawan habang suot ang wig na kahalitulad nang gamit ni Justice Secretary Vitaliano Aguiree II.

Sa caption ng kanyang larawan ay naka-tag ang senador:  “Senator De Lima, you may or may not answer this question:  Who is more handsome, me or secretary Aguirre?”

Dali-daling humakot ng likes mula sa Facebook users ang larawan ni Bato.  Marami rin ang nagkomento na mas nais nila ang simple at malinis na ayos nito kahit na siya ay kalbo.

Matatandaan na kamakailan lang ay binatikos ni de Lima ang kabi-kabilang akusasyon laban sa kanya na pawang mga peke gaya ng wig na suot ni Aguirre.

 

Read more...