Bossing: alagang-alaga ako ni Pauleen! She’s very supportive! | Bandera

Bossing: alagang-alaga ako ni Pauleen! She’s very supportive!

Ervin Santiago - October 14, 2016 - 12:50 AM

VIC SOTTO AT PAULEEN LUNA

VIC SOTTO AT PAULEEN LUNA

WALANG masabi si Bossing Vic Sotto sa pagiging super supportive at mabuting asawa ni Pauleen Luna.

Talagang puring-puri nito si Poleng pagdating sa pag-aalaga sa kanya. Hands-on wife kumbaga ang peg ng Eat Bulaga host sa kanyang mister.

Sa katunayan, sinamahan pa ng TV host-actress si Bossing sa bonggang presscon ng bago nitong endorsement, ang Chooks To Go, na ginanap sa Isla Ballroom ng Edsa Shangri-La. The event was hosted by Suzie Entrata and Camille Prats.

Ayon kay Vic, dahil din kay Pauleen kung kaya nagkaroon na naman siya ng bagong product endorsement, ito ngang Chooks To Go na talagang super favorite ng kanyang misis.

Kuwento ni Bossing, mismong si Poleng daw ang unang nagpatikim sa kanya ng roasted chicken from Chooks, “There was this one time sa Eat Bulaga, tapos may dala siyang oven-roasted na manok.

Pinatikim niya sa amin. ‘Yun ang unang encounter ko.”

“When you bring home food to replace home cooked meals, it has to be something really special for the family. Importante ‘yun, kasi the family always expects na hindi basta-basta lang ang uwi mong ulam,” hirit pa ng TV host-comedian na very happy to be part of Bounty Agro Ventures, Inc..

“Tapos kapag naggo-grocery si misis, hindi maaari na hindi magte-take home kasi papasok pa lang siya sa grocery, maaamoy na niya ‘yan. Totoo ‘yan,” dagdag pa ni Bossing Vic.

Kuwento ni Bossing, isinama rin niya si Poleng nang pumirma siya ng kontrata sa Bounty Agro, “Gusto siguro niyang siguruhin na pipirma ako. Baka mapurnada pa, e!”

Ayon naman kay BAVI President Ronald Ricaforte Macariñas, si Vic ang kinuha nilang bagong celebrity brand ambassador ng kanilang produkto dahil siya ang gusto ng mga Pinoy, lalo na ng mga misis na siyang target market ng kanilang bagong ad campaign.

Dagdag pa nito, naniniwala siya sa karisma ni Bossing dahil mula noon hanggang ngayon ay napanatili nito ang kanyang magandang imahe sa publiko.

Ayon naman kay Vic, “Saludo ako sa lahat ng hardworking na misis, hindi biro ang paghihirap nila, imagine, magtatrabaho tapos aalagaan pa ang kanilang pamilya. Ibang klase ang kanilang energy kaya tama lang na bigyan natin sila ng pagpupugay.”

Samantala, marami ang nagwi-wish kina Vic at Pauleen na sana’y magkaroon ng sila ng baby very soon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Atat na atat na silang makita kung ano ang magiging itsura ng kanilang panganay. Ang palagi lang sagot ni Bossing kapag natatanong tungkol sa pagbubuntis ni Poleng, “Darating din ‘yan. Kung bibigyan tayo ng nasa Itaas, talagang isang malaking blessing ‘yan.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending