Sinuportahan ng House committee on dangerous drugs ang panukalang drug testing sa gobyerno at mga eskuwelahan bilang bahagi ng kampanya laban sa ipinagbabawal na gamot.
Ayon sa chairman ng komite na si Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers may tatlong panukala na nananawagan na magsagawa ng mandatory at random drug testing sa mga ahensya ng gobyerno at sa secondary, tertiary at technical/vocation schools.
“The committee expects no less than the same passion and fervor from our members as we discuss further the drug problem in the country,” ani Barbers.
Sa naunang pagdinig ng komite, sinabi ni Dangerous Drugs Board Chairman Benjamin Reyes at Bicutan Treatment and Rehabilitation Center Chief Dr. Alfonso Villaroman na hindi kailangang isapubliko ang pangalan ng mga magpopositibo sa paggamit ng droga.
Sa tulong ng Department of Education ay nakapagsagawa na rin umano ng testing sa mga estudyante na binigyan ng written consent ng kanilang mga magulang.
Sinabi naman ng DDB na kakailanganin nila ng dagdag na pondo kung gagawing mandatory ang drug testing.
Mayroong drug testing kit na nagkakahalaga ng P250 at kayang maka-detect ng methamphetamine at cannabis at P600 naman ang kit na kayang mag-detect ng ecstasy.
30
MOST READ
LATEST STORIES