Alden, Maine nag-enjoy sa shooting ng ‘Enteng Kabisote 10’

MAINE MENDOZA AT ALDEN RICHARDS

MAINE MENDOZA AT ALDEN RICHARDS

NAG-ENJOY sina Alden Richards at Maine Mendoza sa special appearance nila sa pelikulang “Enteng Kabisote 10 And The Abangers” ni Vic Sotto.

At umaasa ang dalawang Kapuso stars na mapapasama ito as official entry sa 2016 Metro Manila Film Festival. “Meron po kaming magiging role doon sa resort, cameo role. Enjoy naman po!” ang sabi ng Pambansang Bae sa panayam ng GMA News.

Naghahanda na rin siyempre si Alden para sa 21st Asian Television Awards na gaganapin sa Singapore ngayong Disyembre kung saan isa siya sa napiling mag-host. “First time ko po magho-host abroad.

Malaking tulong po talaga sa akin na nakakapag-Eat Bulaga po ako everyday para ma-harness ko yung hosting skills,” dagdag pa ni Alden.

Read more...