Lovi, Derek game na game sa sex

DEREK RAMSAY AT LOVI POE

DEREK RAMSAY AT LOVI POE

SIGURADONG ngayon pa lang ay inaabangan na ng fans nina Derek Ramsay at Lovi Poe ang latest movie nila under Regal Entertainment, ang “The Escort” sa direksiyon ni Enzo Williams.

Sa trailer pa lang kasi ng pelikula ay talagang maku-curious ka na kung paano tatakbo ang kuwento na sesentro sa karakter ni Xyruz (Derek), isang dating male escort na ibabahay ng isa niyang kliyente (Jean Garcia) na mai-in love kay Yassi (Lovi), na nakatakda namang “ialay” sa real estate mogul na si Gary (Boyet de Leon).

In fairness, talagang lumaban nang sabayan si Lovi sa mga love scene nila ni Derek, sabi nga niya, ito na ang pinakagrabeng ginawa niya sa lahat ng kanyang mga pelikula. Surprise naman daw ang mga maiinit na eksenang ginawa nila ni Christopher sa movie.

Dapat din daw abangan ng manonood ang sex scene nina Derek at Jean sa swimming pool na siguradong pag-uusapan ng madlang pipol dahil sa tindi ng kanilang pinaggagagawa.

Makakasama rin sa “The Escort” sina Rommel Padilla, Albie Casino, Jackilou Blanco, Dimples Romana at marami pang iba, directed by Enzo Williams. Showing na ito sa mga sinehan sa Nov. 2 nationwiode.

Read more...