Mark Neumann suportado si Digong; bida sa ‘Kamandag Ng Droga’ ni Carlo Caparas

MARK NEUMANN

MARK NEUMANN

NAGTATAKA ang Kapatid hunk actor na si Mark Neumann kung saan nanggaling ang balita na siya na ang napili bilang leading man ni Jennylyn Mercado sa Pinoy version ng Korean series na My Love From The Star.

Ang dami raw nag-tag sa kanya sa Twitter at Instagram ng mga write-up tungkol nga sa pagtatambal nila ni Jennylyn sa nasabing teleserye ng GMA 7.

Kuwento ng Kapatid actor, “Ang daming nagta-tag po na write-ups, actually hindi po namin alam ng manager (Gio Medina) ko, wala po akong kinalaman doon, basta in-open ko lang ‘yung Twitter ko, tapos nakita ko nga ‘yung mga link sa akin.”

Ayon kay Mark, “I’m still with TV5 po and I’m still their contract artist.”

Pero nakapag-guest daw kasi si Mark sa Karelasyon, ang weekly drama anthology ng GMA kay raw siguro akala ng lahat ay lumipat na siya, “Kaya siguro natsismis because nag-guest ako sa GMA,” sambit ni Mark.

Maski walang katotohanan ang isyu ay natutuwa ang aktor, “I’m in a different network, they still think of me, parang proud feeling. More of thinking about me.”

Sa susunod na taon pa raw magtatapos ang kontrata ni Mark sa TV5 kaya hindi pa puwedeng mag-entertain ang binata ng ibang offer.

Say ng manager ni Mark, “Nandoon pa kami sa respeto, kasi siyempre kung saan tayo nagsimula, tapusin natin kasi hindi naman magiging Mark Neumann ‘yan without TV5.

“Well, marami naman tayong kaibigan in both networks, madali naman kasi ‘yan kapag magaling ang artista, kukunin at kukunin ng sinumang network. Pag alam nating wala, e, di wala,” aniya pa.

Ano naman ang ginagawa ngayon ni Mark sa TV5? “Meron po, Sine Squad, maraming nakalatag pa pong shows,” pahayag ng manager ng aktor.

Sundot naman ni Mark, “May ginagawa po akong movie, ‘yung ‘Kamandag Ng Droga’ po with Direk Carlo Caparas, kasama ko po si Ms. Lorna Tolentino, si sir Boyet (de Leon), no idea po kung kailan ito ipalalabas.

“It’s all about drugs in relation with what President Rodrigo Duterte is doing, change is coming nga, it’s an advocacy movie,” kuwento ng binata.

Sinundot ng tanong ang aktor kung willing siyang magpa-drug test? “Anytime po, right now?” paghahamon din ng aktor na nakatawa.

Suportado raw ni Mark ang kampanya ni Duterte laban sa ilegal na droga, “Opo kasi however, we pointed out or look at it, whatever we analyze it, drug is still bad in anyway.”

Tungkol naman sa pagbubunyag sa publiko ng mga pangalan ng kapwa niya artista na involved sa droga,

“Well, it is hard kung papangalanan, but for example they’ve been tested and positive, it’s a bit hard you know, people still want to seek justice and clarity, you know what I mean,” katwiran ng aktor.

Samantala, maganda ang katawan ngayon ng aktor at aminadong talagang disiplinado siya pagdating sa diet. Gusto rin namin ang hairstyle niya ngayon, bumagay sa kanyang physique.

Isa si Mark sa mga bisita sa launching ng Selective Professional products kasama sina Ritz Azul, Shaira Mae at manager niyang si Gio na may-ari ng lahat ng Artista Salon.

Kuwento ng manager ni Mark, “Ingat ako pagdating sa mga ginagamit kong product sa salon kasi ayaw ko ng makakasama sa health ng isang tao, that’s why I use organic products natural lahat lang itong

Selective Professional kasi walang formalin. That’s why I’m very thankful kay Sharon Sy for getting me as their endorser.”

Sabi rin ni Mark, “Kaya hindi rin po ako nagpupunta sa ibang salon kasi organic lahat ang product ng tito ko sa salon niya and for 12 years, we never endorse products except for Selective Professional.”

Read more...