2 GMA artist napapanood na rin sa ABS-CBN

gwen zamora at prince stefan

MUKHANG hindi naman ganu’n kainit ang naging pagtanggap sa isa pang GMA star na si Gwen Zamora na kasali na nga ngayon sa daytime series na Be My Lady, playing as Daniel Matsunaga’s terror boss.

Unlike Prince na pinag-usapan ang entry sa Till I Met You, parang kapos o matabang naman ang kay Gwen.

Nasilip namin ang performance ng dalaga at sa totoo lang, okey naman siya. Pero dahil siguro sa puro mga hirap mag-Tagalog ang eksenahan nila, nagmukha nga itong “pilit.”

Mukhang parami na nga ng parami ang mga taga-GMA 7 na umaapir ngayon sa iba’t ibang shows ng ABS.

Bukod sa mga active na active nang sina JC de Vera, Sarah Lahbati, Jona Viray, Kyla, Jay-R, Jolina Magdangal at Jaya at ang magkapatid na Elmo at Maxene Magalona, very visible na rin ngayon sa Dos sina Polo Ravales, Geoff Eigenmann, among others.

Read more...