Aktres nagkukulong sa kwarto pag kumakain ang kasambahay

BLIND ITEM FEMALE 0415

NAKAKAALIW ang kuwento ng mga becking impormante tungkol sa ginagawang pagda-diet ng isang kilalang female personality.

Batambatang nagsimula sa pag-aartista ang aktres na ito pero hanggang ngayong nagkakaedad na siya ay lutang na lutang pa rin ang kanyang ganda.

Pero ang pangangatawan ng kahit sino, kapag nagkakaedad na, ay lumalaki. ‘Yun lang ang tanging problema ng female personality, ang pagda-diet, kailangan niya talagang bigyan ng panahon ang kanyang katawan.

Kuwento ng isang source sa grupo, “In fairness, nagagawa niya naman religiously ang pagdidiyeta. Kaya niya naman, pero ang problema nga lang, e, apektado ng mga ginagawa niyang seremonyas ang mga kasambahay niya.

“Ayaw niyang nakikitang kumakain nang sabay-sabay ang mga maid-of-cotton niya, lalo na kapag sarap na sarap kumain ang mga girls, hindi niya kailangang makita ‘yun dahil para raw siyang tinatakaw.

“Imagine nga naman, ang mga kinakain lang niya, e, puro damo, puro gulay, pero ang mga kasambahay niya, e, nagpipiyesta sa karne? Parang hindi raw naman parehas ‘yun, sabi niya!

“Siya nga naman ang nagtatrabaho, siya ang nagpupuyat at nagpapakahirap sa pag-arte, tapos, ang mga maids pa niya ang mas masarap ang kinakain? It’s unfair!

“So, kailangang nasa kuwarto niya si ______ (pangalan ng magandang aktres) para makakain na ang mga kasambahay. Hindi niya dapat makita ‘yun, hindi niya dapat naaamoy ang masasarap na pagkaing ihinahanda ng cook niya!” tawa nang tawang kuwento ng becking source.

“Nakow, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, isa lang ang dapat n’yong tandaan para mahulaan n’yo kung sino ang bumibida sa kuwentong ito. Bakit ba ganyan?” nakairap pang pahabol ng aming impormante.

Read more...