Ikalawang NCAA MVP award nasungkit ni Oraeme ng Mapua

NCAA / October 10,2016 NCAA MVP Allwell Oraeme of Mapua , at the MOA arena  INQUIRER PHOTO/AUGUST DELA CRUZ

NABIGO man ang Mapua Cardinals na makarating sa Finals ng NCAA men’s basketball tournament ay napunta naman sa isang miyembro ng koponan ang Most Valuable Player (MVP) award.

Kahapon ay pormal na iginawad kay 6-foot-9 Nigerian Allwell Oraeme ang tropeyo matapos na mag-average siya ng 16 puntos, league-best 20 rebounds at 2.4 blocks kada laro sa season na ito.

Nakalikom siya ng 65.12 MVP statistical points para talunin ang spitfire guard ng Arellano University na si Jio Jalalon na may 57.50 statistical points

Ito ang ikawalang MVP title para kay Oraeme na nanalo noong isang taon sa kanyang rookie season.
“I’m thankful of this but it would be more of a blessing for me if we could improve next year,” sabi ni Oraeme, na nanalo rin bilang Defensive Player of the Year.

Nakasama naman nina Jalalon at Oraeme sina Bright Akhuetie ng Perpetual Help, Donald Tankoua ng San Beda at Hamadou Laminou ng Emilio Aguinaldo College sa NCAA Mythical First Team.

PHOTO: INQUIRER

Read more...