Ika-20 titulo sa NCAA nakuha ng San Beda

NCAA / October 10,2016  Davon Potts w/  Robert Bolick of San Beda , at the MOA arena  INQUIRER PHOTO/AUGUST DELA CRUZ

NATAKASAN ng San Beda Red Lions ang matinding rally ng Arellano University Chiefs sa fourth period para manalo, 83-73, at makopo ang kampeonato ng NCAA Season 92 men’s basketball tournament kahapon sa SM Mall of Asia Arena, Pasay City.

Ito ang ika-20 titulo ng Red Lions sa NCAA at ikasiyam ng koponan sa huling 11 taon.
Nanalo rin ang San Beda sa Game One, 88-85, para mawalis ang best-of-three Finals kontra Arellano.

Nahirang bilang Most Valuable Player ng Finals si Arnaud Noah na nagtala ng double-double performance na 18 puntos at 11 rebounds.

“Like what we said the entire season, this team is built to be selfless,” sabi ni San Beda head coach Jamike Jarin.

Matapos na maagaw ng Arellano ang kalamangan, 73-72, ay nagpakawala ng 11-0 rally ang San Beda sa huling tatlong minuto at pitong segundo ng laro para magwagi.

Si AC Soberano ay nagdagdag ng 16 puntos para sa San Beda.

Photo: Inquirer

 

Read more...