Kasong paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act ang isinampa sa Sandiganbayan laban kay Cebu City Rep. Rodrigo Abellanosa kaugnay ng pinasok na scholarship program ng lokal na pamahalaan sa eskuwelahan na kanyang pinamumunuan.
Ayon sa kasong isinampa ng Office of the Ombudsman si Abellanosa ay miyembro ng Sangguniang Panglungsod ng Cebu ng mangyari ang paglabag sa batas.
Isa umano si Abellanosa sa nag-apruba sa City Resolution 12-2255-2011 na nagbibigay ng kapangyarihan sa alkalde na pumasok sa Memorandum of Agreement sa Asian College of Technology International Educational Foundation.
Ang MOA ay para sa scholarship program na popondohan ng gobyerno.
Bukod sa pagiging city councilor, si Abellanosa noon ang trustee-president ng ACTIEF, ayon sa Ombudsman.
Umabot umano sa P51 milyon ang halaga ng scholarship fund o scholarship na nakolekta ng siyudad sa ACTIEF.
Inirekomenda ng Ombudsman ang P30,000 piyansa para sa pansamantalang kalayaan ni Abellanosa.
Read more: https://bandera.inquirer.net/133960/graft-isinampa-vs-cebu-congressman#ixzz4MnXe5eNF
Follow us: @inquirerdotnet on Twitter | inquirerdotnet on Facebook
READ NEXT
JV pinayagang bumiyahe
MOST READ
LATEST STORIES