JV pinayagang bumiyahe

  jv ejercitoPinayagan ng Sandiganbayan Fifth at Sixth Divisions si Sen. Joseph Victor Ejercito na bumiyahe sa Hong Kong.
     Makakaalis ang senador na umalis sa Oktobre 14 hanggang 16 at sa Hong Kong lamang maaaring pupunta.
     Naglagak ng P60,000 travel bond si Ejercito sa Fifth Division at P6,000 sa Sixth Division na kukumpiskahin ng korte kapag hindi siya sumunod sa mga kondisyon na itinakda nito.
     Si Ejercito ay nagpaalam sa korte na masamahan ang kanyang misis sa Hong Kong upang asikasuhin ang mga dokumento nito para sa pagreretiro at upang makapagbakasyon kasama ang kanyang anak na si Julio.
     Ang misis ni Ejercito ay dating stewardess ng Cathay Pacific na mayroong opisina sa Hong Kong.
     “For the reason stated therein and considering that the right to travel is a constitutional right which cannot be impaired except in cases provided for by law, the instant motion is Granted over the objection of the prosecution, subject to the usual terms and conditions,” saad ng desisyon.
     Tinutulan ng prosekusyon ang mosyon ni Ejercito. “It must be emphasized that the right to travel of an accused is not absolute as it is subject to the usual restraints imposed by the necessity of safeguarding the system of of justice,” saad ng prosekusyon.
      Si Ejercito ay nahaharap sa kasong paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act at Malversation kaugnay ng pagbili ng P2.1 milyong halaga ng baril ng San Juan City noong siya pa ang alkalde ng lungsod, gamit ang Calamity Fund.

Read more: https://bandera.inquirer.net/133958/jv-pinayagang-bumiyahe#ixzz4Mnf5RaCU
Follow us: @inquirerdotnet on Twitter | inquirerdotnet on Facebook

Read more...