ISASAILALIM sa mandatory drug test ang mga barangay chairman at kagawad sa Maynila, ani Mayor Joseph “Erap” Estrada kahapon.
Ang utos, ani Estrada, ay bunsod ng pagkamatay ni Barangay 648 chairman Faiz Macabato na nasawi nang pumalag sa mga pulis na dadakip sa kanyang kapatid kamakalawa sa Islamic Center sa Quiapo.
Nagbanta si Estrada na sisibikin sa puwesto at kakasuhan ang mga opisyal na di susunod sa utos.
“It is a betrayal of public trust. People elec-ted them (barangay officials). Do you think they are worthy of their positions if they’re drug addicts?” aniya.
Noong Agosto ay sumailalim sa drug test sina Estrada, Vice Ma-yor Honey Lacuna, at mga konsehal sa drug test. Negatibo ang mga ito.
Samantala, itinutu-ring na ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang mga opisyal ng barangay na sangkot sa droga bilang high value target.
Base sa record ng PDEA noong 2015, 65 na barangay officials ang naaresto sa iba’t ibang drug-related offenses.
Sa nasabing bilang, anim ay mga barangay chairman habang 59 ay mga kagawad.
Mas mataas ito ng 18.88 percent sa datos nila noong 2014 kung saan 10 barangay chairman at 45 mga kagawad lamang ang naaresto dahil sa paglabag sa anti-illegal drug law.
Manila brgy. execs i-drug test—Erap
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...