Zanjoe mas naintindihan ang mga bading: Hindi puro sarap lang!

zanjoe marudo

NANINIWALA kaming bukod sa pagiging magaling na aktor, ay very secure and confident sa pagkalalaki niya si papa Zanjoe Marudo.

Hindi na nga isyu kay Papa Z ang mapagbinta-ngan siyang bading lalo pa’t madalas na niya itong gawin sa pelikula at telebis-yon.

Pero sa latest offering ng Star Cinema na “The Third Party” lang daw niya talaga na-experience ang makipaglandian at makipaglaban para sa lalaki.

“Marami na akong nakita at narinig sa mga close friends ko na may mga experiences sa ganyan, pero iba pa rin yung ikaw ang gumagawa. Sa movie, talagang kailangang ipakita at maramdaman kong mahal ko at i-pinaglalaban si Sam (Milby),” tsika ni Papa Z.

Kakaibang rom-com ang “The Third Party” at aminado si papa Zanjoe na kineri niyang makipag-compete sa ganda at kaseksihan ni Angel Locsin na siyang magiging third party sa relasyon nila ni Sam.

“Marami akong gay friends na may karelasyong lalaki o gaya nila and I can say, nauunawaan ko silang lalo ngayon. Hindi madali, hindi rin puro sarap lang. Siguro yung pagiging totoo sa sarili, yun ang isa sa mensahe ng movie,” hirit pa ng aktor na umamin ding ready na uli ang puso niyang magmahal at makipagrelasyon. Pero sa ngayon, ayaw pa raw niya.

Read more...