Sey mo Marian, Andrea walang takot na hinalikan si Dingdong

 

MAMAYANG gabi sa pagpapatuloy ng Alyas Robin Hood sa GMA Telebabad, lumabas na ang prison car kung saan nakasakay si Pepe (Dingdong Dantes).

Nakalutang ito sa ilog, pero walang bangkay na mahanap, kaya lumakas ang kutob ng mga pulis na buhay pa ang binata. Magtutulungan ulit sina Pepe at Venus (Andrea Torres) dahil gusto na rin ng dalaga na magbagong-buhay.

Habang nasa ilog at nakatago, pagmamasdan ni Pepe ang nagluluksang si Sarri (Megan Young). Maya-maya, magugulat si Pepe dahil bigla siyang hahalikan ni Venus.

Magtataka si Pepe kung bakit siya hinalikan ng dalaga. Ginawa lang pala ito ni Venus para hindi sila pag-interesan ng mga pulis. Tama nga ang ginawa ni Venus dahil hindi nga sila sinita.

Samantala, gustung-gusto na ni Pepe na makita at makausap ulit si Sarri. Venus warns him na delikado ang gusto nito, dahil ngayon pa lang daw ay marami nang naghahanap sa kanyang masasamang-loob. Mapapaisip si Pepe.

Panay naman ang paghahanap ni Adelita (Tanya Gomez) kay Pepe. May kutob siyang buhay pa ang binata. Pero hindi siya agad makakakuha ng mga ebidensya.

At para pahirapan pa ang pamilya ni Pepe, nag-set-up si Adelita na kunwari’y drug pusher si Judy (Jaclyn Jose). Nahuli si Judy at naisama sa “walk of shame”. Naikulong din si Judy kasama ng zombies.

Awang-awa si Pepe. Gusto na niyang magpakita sa publiko, pero haharangin siya ni Venus who tells him to be a little patient.

Magtataka naman si Pepe kung bakit nahanap na raw ang bangkay niyang palutang-lutang sa ilog with his own clothes. Venus explains na set-up lang ito at may partnership sila ni Leandro (PJ Abellana) sa isang may ari ng funeral parlor. Matutuwa si Pepe sa ginawa ni Venus.

Read more...