Updated: 1 patay matapos ang hostage crisis sa isang mall sa Cavite | Bandera

Updated: 1 patay matapos ang hostage crisis sa isang mall sa Cavite

- October 09, 2016 - 04:31 PM
cavite PATAY ang isang babae, samantalang sugatan ang tatlong iba pa matapos ang insidente ng hostage-taking sa loob ng SM mall sa Dasmariñas City, Cavite. Tumagal ang pangho-hostage ng dalawang oras na nagsimula nang manaksak ng mga tao sa loob ng mall  ang suspek na si  Carlo Marcus Lacdao, 32. Sa isang panayam, sinabi ni Cavite police chief Sr. Supt. Arthur Bisnar na pumasok si Lacdao sa loob ng mall ganap na alas-12:45 at hinahanap ang kanyang misis na si Erna Lacdao. Si Lacdao ay tubong  Dulag, Leyte. Sa naunang panayam, sinabi ni  Bisnar na isang janitor ang suspek samantalang kasamahan naman niyang babae ang biktima. Hindi naman malinaw kung bakit hinahanap ni Lacdao ang kanyang misis, bagamat sinabi ng pulisya na selos ang tinitingnan nilang motibo. Armado ng kutsilyo, sinimulan ni Lacdao ang pananaksak sa nasa loob ng mall, isa rito ay nakilalang si  Jollabelle Sumalin, at dalawang iba pang lalaki. Namatay si Sumalin, mula sa Silang Cavite, dahil sa dami ng saksak na natamo. Hinostage din ni Lacdao ang isa pang babae na nakilalang si  Mylene Balajadia. “We tried to negotiate (for the release of the hostage) but he would not surrender,” sabi ni Bisnar. Idinagdag ni Bisnar na napilitang barilin ng mga pulis ang suspek sa katawan at dinala sa ospital. Dinala rin ang mga biktima sa ospital, ayon kay  Bisnar.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending