Magkakabalikan pa ba?(2)

Sulat mula kay Chona ng Caflor Village, Catalunan Grade, Davao City
Problema:
1. Nagkahiwalay kami ng ka-live-in ko, simula ng balikan niya ang kanyang asawa mag dadalawang buwan na ang nakakaraan. Pero sabi nya sa akin hindi rin naman daw sila kasal ng asawa nya, nakikisama lang daw siya dito para sa dalawang anak nila. Ang problema ngayon ko lang na-realized na hindi ko pala kayang mabuhay ng wala siya, na nagkataon namang tumawag siya at magulo na naman daw ang buhay nila ng asawa nya may ibang lalaki kasi ang misis nya. Sabi nya iiwan nya uli ang asawa nya at magbalikan daw kami uli?
2. Tama ba ang desisyon ko na makipagbalikan sa kanya? Bukod sa kanya may isa pa akong manliligaw na binata, kaya lang hindi ko siya mahal. Sa palagay nyo sino sa dalawang lalaking ito ang makakasama ko habang buhay at magbibigay sa akin ng magandang kinabukasan? November 16, 1986 ang birthday ng dating ka live-in ko na bumalik sa kanyang asawa at October 15, 1988 naman ang manliligaw ko. June 29, 1990 naman ang birthday ko.
Umaasa,
Chona Davao City
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Cancer (Illustration 2.) ay nagsasabing higit mong ka-compatible ang isang Scorpio kung ikukumpara sa isang Libra. Ibig sabihin sa isang Scorpio ka higit na uunlad at habang buhay na liligaya sa panahong nagkaroon ka na ng sariling pamilya.
Numerology:
Ang birth date mong 29 ay sakto din namang tugma sa birth date na 16 ng dating naka-live in mo, dahil ang 29 at 16 ay kapwa nagtataglay ng elementong tubig. Ibig sabihin kapag kayo ang nagsama, tuluyan ng mabubuo ang isang maligaya at pang habang buhay na pamilya.
Graphology:
Upang magtuloy-tuloy ang ligaya mas mainam kung alisin mo ang malaking bilog sa itaas na bahagi ng letarng “C” sa iyong lagda. Simple “C” na lang ang gawin mo. Sa ganyang pagbabago ng pirma, sa pag-ibig at pakikipag-relasyon habang buhay ka ng magiging maligaya.
Huling payo at paalala:
Chona ayon sa iyong kapalaran, dumadaan lang sa matinding pagsubok ang relasyon ninyo ng dating ka-live-in mo sa ngayon. Pero matapos ang mga ilang panahon pa, lilipas din ang mga balakid sa inyong pagsasama. Tulad ng inaasahan muli siyang babalik sa iyo at ito ay nakatakdang maganap sa buwan ding ito ng Oktubre sa huling linggo, o kaya’y sa unang linggo ng Nobyembre, sa panahong iyon, kayo na nga nakatakdang magkakatuluyan, at magsasama sa pagbuo ng isang maligaya at pang habang buhy ng pamilya.

Read more...