Edu, Tom baliw-baliwan sa taping ng teleserte, huli sa video

edu manzano at tom rodriguez

BINALIW-BALIW nina Edu Manzano at Tom Rodriguez ang buong cast, staff and crew ng Kapuso series na Someone To Watch Over Me matapos ang makabagbag-damdaming nilang mga eksena.

Maharot na nagsayaw sa video si Doods na sinundan ni Tom na gumaganap naman bilang anak niya sa GMA series.

Likas talagang maloko si Edu. Walang duda na sa kanya nagmana ng kaharutan ang anak na si Luis Manzano.

Pero sa kanilang serye, seryoso ang aktor bilang protector ng anak. Lutang na lutang pa rin ang kahusayan niya sa mga madadramang eksena.
Totoong seryoso siya pag seryoso ang sitwasyon at kapag kabaliwan, hindi siya napag-iiwanan, huh!

Read more...