Tagum napiling host ng 2016 Batang Pinoy | Bandera

Tagum napiling host ng 2016 Batang Pinoy

Angelito Oredo - October 08, 2016 - 01:00 AM

ANG Tagum, Davao del Norte ang magsisilbing host ng 2016 Philippine National Youth Games-Batang Pinoy ngayong taon.

Napag-alaman ito mismo kay Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William “Butch” Ramirez matapos ang mahabang pagpaplano at paghahanda katulong ang PSC Research and Planning Division sa pangunguna ni Dr. Lauro Domingo Jr. noong Huwebes kung saan napinalisa ang lahat ng mga detalye.

Ang 2016 Batang Pinoy, na inoorganisa ng PSC, ay gaganapin sa Nobyembre 27 hanggang Disyembre 2. Orihinal na itinakda ang torneo sa Dumaguete City, Negros Oriental bago na lamang ang desisyon na ilipat ito sa Tagum.

“Yes, it will be held now in Tagum,” sabi lamang ni Ramirez, patungkol sa torneo na itinaas ang edad ng kalahok mula sa dating 16-anyos pababa tungo sa 17-anyos pababa upang maabot nito ang pamantayan ng mga kabataan na lalahok base sa sinusunod na K12 na programa ng Department of Education (DepEd).

Ang Batang Pinoy ang ikalawa naman na malaking torneo sa sports na gaganapin sa Tagum matapos na isagawa rito ang ika-58 edisyon ng Palarong Pambansa noong 2015.

“Batang Pinoy will now be an open tournament for children 17 years old and below. Based on the Batang Pinoy calendar year 2016, an athlete must be born in 1999 and the years thereafter,” paliwanag ni Domingo.

Istrikto naman ipapatupad ang representasyon kada Local Government Unit (LGU), maging ito man ay kabilang sa provincial, city o municipality. Hindi makakasali ang isang atleta kung wala itong accreditation ng partikular na LGU.

Inaasahang ipapadala ng mga LGUs ang kanilang pinakamagagaling na atleta na kung saan ay mabibigyan naman ng sponsorship subsidy. Magbibigay ang PSC ng maximum subsidy sa 75 atleta kada LGU.

Ang Batang Pinoy ay bukas para sa lahat ng mga kabataang Pilipino na isinilang sa bansa o naturalized.

Ang isang foreign-born Pinoy ay maaaring sumali bagaman may inirerepresenta itong isang partikular na LGU. Bawat atleta ay dapat na isang LGU lamang ang irepresenta.

Isasagawa ang mga larong archery, arnis, athletics, badminton, baseball, basketball (3-on-3), boxing, chess, cycling, Dancesports, judo, karatedo, lawn tennis, pencak silat, rugby football, sepaktakraw, softball, swimming, table tennis, taekwondo, volleyball, weightlifting, wrestling at wushu.

Nagbabala naman ang PSC na walang tournament o participation fee na dapat kolektahin ang host LGU at PSC.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang huling araw ng pagsusumite ng LGU Entry Form A ay sa Nobyembre 4 habang  Entry Form B ay Nobyembre 23. Ang liability at medical waiver form ay dapat na isumite rin sa Nobyembre 23.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending