De Lima sinabing dating pulis na umano’y nag-abot sa kanya ng pera ng droga kamag-anak ni Duterte

de-lima-31

SINABI ni Sen. Leila de Lima na kamag-anak umano ni Pangulong Rodrigo Duterte ang dating pulis na nagsabing personal niyang iniabot sa senador ang P1.5 milyong umanong pera mula sa droga.

“Mayroon po akong natanggap na information kanina na yang Durano pala na yan, I think he’s no longer in the active service pero police sya, napa corrupt daw pong police yan taga Danao daw po yan, Danao City,” sabi ni de Lima, na ang tinutukoy ay ang dating pulis na si Engelberto Durano.

“At relative daw po yan ni ng Pangulong Duterte,” ayon pa kay de Lima.
Sa kanyang testimonya, sinabi ni Durano na personal niyang idiniliber kay de Lima ang pera mula sa droga matapos umano ang utos ng napatay na drug lord na si Jeffrey Diaz alyas “Jaguar.”
Mariing itinanggi naman ito ni de Lima.

“I don’t know him. I have not met him so kasinungalingan ho yan,” giit ni de Lima.

“Never po akong tumatanggap kahit ano lalo na the so-called drug money. Sa mga acts of corruption, hindi po ako nagiging involved kahit anong klaseng,” dagdag ni de Lima.

Read more...