AFP: Mga suspek sa pambobomba sa Davao City arestado

Sinusuri ng mga pulis ang mga biktima ng pagsabog sa night market sa Davao City. AP

Sinusuri ng mga pulis ang mga biktima ng pagsabog sa night market sa Davao City. AP

SINABI ng militar na naaresto ang mga pinaghihinalaang nasa likod ng pambobomba sa isang night market sa Davao City noong isang buwan kung saan 15 katao ang namatay.

Sa isang media advisory, sinabi ng Armed Forces of the Philippines na nakatakdang iprisinta ni  Defense Secretary Delfin Lorenzana ang mga suspek.

Tinatayang 15 ang namatay, samantalang 70 iba pa ang nasugatan sa nangyayaring pambobomba noong Setyembre 2.

Nagsampa ang mga otoridad ng patong-patong na kaso laban sa siyam na suspek, kung saan isa rito ang kinilala bilang eksperto sa paggawa ng bomba na may koneksyon sa isang international terror group. Hindi naman pinangalanan ang mga suspek.

Naging dahilan ang insidente para magdeklara si Pangulong Rodrigo Duterte ng state of national emergency sa Mindanao.

Nag-alok naman ng P3 milyon para sa ikaaaresto ng mga suspek.

Read more...