SINABI ng Palasyo na pagpapakita ng suporta kay Pangulong Rodrigo
Duterte ang pinakahuling resulta ng survey ng Social Weather Stations (SWS) na nagsasabing 84 porsiyento ng mga Pinoy ang kuntento sa kampanya ng gobyerno kontra droga.
“The Social Weather Stations survey result showing that 84 percent of Filipinos are satisfied with President Rodrigo Duterte’s all-out war on illegal drugs validates his landslide victory in the May elections based on his campaign pledge to eliminate the drug menace,” sinabi ni Communications Secretary Martin Andanar.
Idinagdag ni Andanar na tuloy-tuloy lamang ang kampanya ng administrasyon laban sa iligal na droga sa bansa.
“The relentless campaign against illegal drugs will be carried out to its logical conclusion: to emancipate the nation from the scourge of illegal drugs by running after all those involved in the illegal drugs trade with the full force of the law,” ayon pa kay Andanar.
Tiniyak naman niya ang pagpapatayo ng mas maraming rehabilitation center para magamot ang mga sumukong adik.
“We reiterate: The Duterte administration does not condone summary execution or extrajudicial killing of drug suspects. The Philippine National Police is investigating all cases of extrajudicial killings and will prosecute the perpetrators to the full extent of the law,” giit ni Andanar.
Sinabi pa ni Andanar na hindi na dapat pagdudahan ang pagnanais ni Duterte na matapos ang problema sa droga.