Joseph pasosyal, nakakairita raw pag nagsasalita ng English

joseph marco

BALITANG may follow-up project na agad si Joseph Marco kasama sina JC de Vera at Jodie Sta. Maria.

Kahit hindi masyadong “hit” ang naging tambalan nila ni Alex Gonzaga sa pelikula, maraming humahanga sa hunk actor na nagagawa raw pakibagayan ang sinumang nakakasama sa trabaho.

Pero may mga nagtataka rin siyempre dahil kahit sa TV naman ay never pa talagang naging bida ang hunk actor gaya ng ibang nakakasama niya. Tuloy tinatanong nila kung sino daw umano ang malakas nitong backer para mabigyan ng mga bonggang project.

May mga ilang netizen naman na nagsabing sobrang naaartehan sila kay Joseph lalo na kapag nagpililit daw itong mag-English at magpasosyal. Hala!

Read more...