BILIB na bilib kami kay Lara Quigamann sa ginawa niyang short “training” sa mga teen housemates ng PBB Lucky Season 7 para sa gaganaping beauty pageant sa Bahay Ni Kuya.
Bukod sa regular na pagbibigay ng tips at pagsasanay sa pagrampa nang naka-heels, parte rin ng training ang “laitan portion” kung saan susukatin ang tibay at lakas ng loob ng mga teen candidates.
Kahit halatang natatawa na si Lara sa kakulitan ni Maymay, ang ngayon pa lang ay pinapaboran nang susunod sa yapak nina Melai Cantiveros at Pokwang, pinipigil lang ito ni Lara to show toughness and determination.
Pero ang pinaka-winner ay ang paghingi niya ng sorry sa mga pinaiyak niyang housemates na nakatikim ng todong panlalait. Ha-hahaha!
MOST READ
LATEST STORIES