Jon Santos, Kakai, Donita Nose nanggulo sa bahay ni Regine

regine group

GUSTO mo ba ng walang kapagurang kantahan, katatawanan at nakakalokang chikahan? Ihahatid ng Asia’s Songbird na si Regine Velasquez-Alcasid ang lahat ng iyan ngayong Sabado kasama sina Kakai Bautista, Donita Nose ng Wowowin at Jon Santos bilang si Ate Vee!

Abangan ang kani-kanilang mga pa-grand entrance, lalo na ang pagbabalik ni Ate Vee sa kanyang “lifting dance” days. At kung may pinagdadaanan ka naman, daanin yan sa kantahan kasama si Kakai at Donita. Maghahanda naman ng Tilapia at Gabi chips si Ate Vee na napakadalang gawin at gayahin ng manonood.

Ang kantang “You’ve Made Me Stronger” na nag-va-viral ngayon bilang isa sa mga best hugot songs ay kakantahin naman ng Asia’s Songbird.

Samahan at sabayan silang lahat sa kulitang magaganap ngayong Sabado ng umaga sa Sarap Diva pagkatapos ng Maynila sa GMA.

Read more...