Maine naniningil ng P20 sa nagpapapiktyur

maine mendoza

MAY bayad pala ang bawat pagpapakuha ng litrato kay Maine Mendoza ng kanyang mga fans, P20 nga ba? In fairness, for a noble cause naman ang kapupuntahan nito.

Bigla tuloy namin naalala ang halos pareho ring fund-raising project na inilunsad ng mga Noranian noong dekada sitenta. Billed as Mamera Para Kay Nora, nakalikom sila ng isang milyong piso kung saan ang naabutan ng tulong ay ang National Mental Hospital.

May halaga pa noon ang mamera (one centavo), pero ang beinte pesos sa panahon ngayon ay may mararating na rin: halos tatlong sakay rin sa jeep ang katumbas nito. Or to be more “commercial” about it, may pambili ka na rin ng isang ice cream brand, di ba, Sef Cadayona?

Para naman sa mga elderly ang proyekto ni Maine. Still, we cannot help but ask—base na rin sa estado ni Maine bilang artista—bakit kailangang ang mga fans niya ang mag-raise ng pondo?

Bakit hindi na lang maglaan si Maine kahit small fraction mula sa kanyang mga kinikita, at ‘yun ang ipagkaloob niyang pondo sa institusyon? Why burden her fans with P20 per picture taken with her given these hard times na tumambling ka man sa kahabaan ng EDSA ay masuwerteng makakatisod ka even a fraction of the orange-colored bill na may mukha ni President Manuel Quezon?

Walang iniwan kung magpapakain nga si Maine sa birthday niya, pero pinasagot naman niya ‘yung lechon sa mga tagahanga niya! So, hindi rin bulsa ang nabutas niya, sa kanya pa ang kredito na bongga ang lafang sa party niya!

Read more...