AFTER his successful show sa Kallang Theatre noong July sa Singapore at ng kanyang recent London concert, isang good news na naman ang sumalubong sa Pambansang Bae na si Alden Richards.
Siya lang naman ang napili para mag-host ng 21st Asian Television Awards na gaganapin sa Suntec Singapore Convention & Exhibition Center sa Dec. 2.
Makakasama rito ng Kapuso heartthrob ang mga kilala rin Asian stars na sina Adrian Pang, Stephanie Carrington at Baki Zainal. Ang Asian Television Awards ay isa sa prestihiyosong award giving body na kumikilala sa galing ng “programming, production and performance” ng mga nagtatrabaho sa telebisyon.
“It is truly an honour to be hosting this year’s Asian Television Awards and celebrate the best television content that Asia has to offer,” sabi ni Alden.
Mapapanood ang delayed telecast ng 21st Asian TV Awards sa Dec. 11, 9:30 p.m. sa GMA News TV.