Baby nina Mariel at Binoe nagpakitang-gilas

mariel rodriguez

MALIGAYANG-MALIGAYA si Mariel Rodriguez dahil naging maayos ang unang biophysical ultrasound na isinagawa sa kanya sa Amerika.

Nasa US ngayon ang TV host-actress para doon isilang ang panganay nila ni Robin Padilla kasama ang ilang miyembro ng kanyang pamilya. Hindi nakasama si Binoe sa pag-alis ni Mariel dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nabibigyan ng US visa.

Sa kanyang Instagram account, nag-post si Mariel ng ilang photo na kuha sa isang clinic kung saan siya nagpa-ultrasound.

Nilagyan niya ang picture ng caption na: “My first ultrasound. Was so happy to see my baby girl!!! Thank you Tita Maricon for accompanying us.

“It was a biophysical ultrasound where in Isabella was supposed to do a series of movements within 30minutes. My angel did all and more under 10minutes…Momma was so proud!!!”

Ingat na ingat na si Mariel sa kanyang pagbubuntis ngayon para hindi na maulit ang mga nangyari sa unang dalawang baby nila ni Binoe. Dalawang beses nakunan ang TV host na talagang ikina-depress nito nang bonggang-bongga.

Nagdesisyon din ang mag-asawa na sa Amerika na ipanganak ang kanilang panganay para mas maalagaan si Mariel ng kanyang mga kapamilya.

Read more...