Lovi nagrerebelde raw kaya halos ibuyangyang na ang pisngi ng langit

lovi poe

USAP-USAPAN ang bagong cover ni Lovi Poe sa FHM. Ang chika, after her break up with Rocco Nacino, nagpaka-daring siyang muli.

Actually, bago pa gawin ni Lovi ang kanyang cover pictorial sa nasabing men’s magazine ay puro sexy photos na niya ang makikita sa kanyang Instagram account. Pero sa huling interview naman namin sa Kapuso actress, sinabi niyang hindi ito pagrerebelde on her part. Na-miss lang daw talaga niya ang magpakita muli ng skin.

Bukod sa kaseksihan ng Premiere Actress, pinag-usapan din ang walang takot niyang paghawak ng sawa. Tinanong daw siya kung hindi ba siya natakot hawakan at paluputan ng phyton sa pictorial niya.

“I wasn’t but there was this one time…off cam…I held it face to face. Nagkatitigan kami…I swear, nasindak ako!” tweet ni Lovi.

Sa isang post ni Lovi sa kanyang Instagram account, halos sumilip na ang pisngi ng kanyang “langit” sa haba ng slit ng suot niyang evening gown, huh! Konting hangin lang ay lalantad na ang kanyang pinakakatagu-tagong “flower”!

Nagagawa lang ni Lovi ang pagpapaseksi sa pictorials. Sa GMA series kasi niyang Someone To Watch Over Me, laging namumugto ang mga mata niya sa pag-iyak dahil nga sa madadramang eksena nila ni Tom Rodriguez sa kanilang teleserye na gumaganap na asawa niya sa kuwento na dinapuan ng sakit na dementia.

Pero sa movie naman niyang “The Escort” with Derek Ramsay and Christopher de Leon, naku, wala ring takot ang Kapuso Primera Aktresa na nagpalingkis sa dalawa niyang leading men, huh! Malapit n’yo nang mapanood ang “The Escort” sa mga sinehan.

Read more...