“Wala ba kayong hiya?”
Ito ang tanong ni Sen. Leila de Lima sa mga miyembro ng Kamara, na nais pa ring ipalabas ang kanya umanong sex video sa pagpapatuloy ng imbestigasyon kaugnay ng ng pagtanggap umano niya ng payola sa iligal na droga sa New Bilibid Prison (NBP) nang siya pa ang Kalihim ng Department of Justice (DOJ).
“Dapat lang naman talaga. If there’s any sense of decency left in these men in the House of Representatives, they better think twice about that demented plan of their to show that alleged sex video,” sabi ni de Lima.
Ito’y bilang reaksyon naman sa pahayag ni Speaker Pantaleon Alvarez na ipapaubaya na lamang ang desisyon sa mga miyembro ng House committee on justice na siyang nagsasagawa ng imbestigasyon.
“Many have reacted already. I’m so moved by the outpouring of support especially from women’s groups. Hindi naman po talaga yan tama kahit anong anggulo tingnan nyo yan. Hindi po tama yan,” dagdag ni de Lima.
Aniya, layunin lamang ng pagpapalabas ng video na ipahiya siya.
“Wala namang relevance yun, wala. Matagal na nilang pino-float yang alleged sex video and then ngayon na naman, ganyan na naman ang sasabihin nila o gagawin nila. Have you no shame? Tanugnin nyo na lang po yan sa sarili ninyo,” ayon pa kay de Lima.