83-anyos na nanay pinatay ng may sayad na anak

NATAGPUANG patay ang isang 83-anyos na babae, matapos umano siyang sakalin hanggang sa mamamatay ng kanyang sariling anak na lalaki at itinapon sa bayan ng Diffun, Quirino, kahapon.
Nakabalot pa ng kumot ang katawan ng biktima na si Regina Gabut, nang makita sa kahabaan ng kalsada sa Barangay Isidro Paredes ganap na alas-5:30 ng umaga, ayon sa Diffun police.

Posibleng sinakal si Gabut, residente ng Barangay Plaridel sa Santiago City, gamit ang isang leather na sinturon.
Itinuturong suspek naman ang kanyang anak na lalaki na si Nestorio, 49, na ikinulong at dinala sa isang medical facility sa Tuguegarao City.

“The suspect is a mental patient and is still undergoing therapy. He supposedly missed his regular shot of anti-depressants on Sunday and he went berserk that night,” sabi Chief Insp. Maciste Serrano, Diffun police chief.

Read more...