Pinay singer itinanghal na Vietnam Idol 2016

janice buco

ISA pang Pinoy ang nagbigay ng karangalan sa bansa matapos itong manalo sa talent search na Vietnam Idol.

Ang Hanoi-based Filipina singer na si Janice Buco ang nanalo sa ika-7 season ng nasabing kumpetisyon na ginanap last Friday.

Ang kantang nagpanalo kay Janice ay ang “Hello Vietnam” na kinanta niya in English and Vietnamese. Umabot sa 600 million Vietnamese dong o P1.2 million ang napanalunan ng Pinay singer.

Ayon sa ulat ng Vn Express International, si Janice ang kauna-unahang foreigner na nanalo sa Vietnam Idol.

Read more...