Fil-Australian blogger waging 2016 Miss World Philippines

catriona elisa gray

WAGING Miss World Philippines 2016 ang Filipino-Australian na si Catriona Elisa Magnayon Gray sa ginanap na grand coronation night last Sunday sa Manila Hotel.

Bukod sa titulo, tinawag ding Hakot Queen si Catriona dahil siya rin ang nag-uwi ng halos lahat ng special awards kabilang na ang Miss Manila Hotel, Miss Hannah, Best in Fashion Runway, Best in Swimsuit, Best in Evening Gown at Best in Fashion Runway.

In fairness, sa simula pa lang ng pageant ay crowd favorite na ang dalaga, kahit ang mga netizens na tumutok sa TV coverage ng beauty contest ay siya ang naging bet dahil bukod sa angking kagandahan at kaseksihan, napakagaling din nitong mag-project on stage.

Isang model at blogger ang bagong Miss World Philippines, natalo niya ang 24 iba pang kandidata sa nasabing pageant. Si Catriona ang magiging official representative nag Pilipinas sa 2016 Miss World na gaganapin sa Washington, DC, USA sa darating na December.

Itinanghal namang first runner-up si Arienne Calingo, si Ivana Pacis ang 2nd runner-up) habang sina Mara Muñoz at Sandra Lemonon ang 3rd runner-up at 4th runner-up respectively.

Read more...