Kylie pumayag makipaghalikan kay Ruru

kylie padilla at ruru madrid

SESENTRO naman ang kuwento ng fantaseryeng Encantadia sa GMA Telebabad after 24 Oras sa magkapatid na Sang’gre na sina Alena (Gabbi Garcia) at Amihan (Kylie Padilla).

Habang naglalakad si Alena ay nakita siya ni Cassiopea (Solenn Heussaff). Hinawakan nito ang ulo ni Alena at sinabing balikan ang kanyang nakaraan, dito naalala ni Alena ang kanyang nakaraan pero biglang nawalan ng malay.

Samantala, nakita naman ni Amihan na nagpapakalasing si Ybarro (Ruru Madrid). Nilapitan niya ito at pinag-usapan ang pangungulila at pagsisisi sa nangyari kay Alena. Naiyak si Amihan, pinunasan ni Ybarro ang mga luha nito. Dito hinalikan ni Ybarro si Amihan – tuluyan na nga kaya niyang makalumutan si Alena?

Read more...