Jodi pabata nang pabata ang ka-loveteam

jodi sta maria

DALAWANG bagong leading man ang makakasama ni Jodi Sta. Maria sa bago niyang pelikula under Star Cinema, ang “Dear Other Self.”

Makakatambal ng aktres sa proyektong ito ang mga Kapamilya actors na sina JC de Vera at Joseph Marco na first time niyang makakatrabaho sa pelikula.

“Nakakatawa, ang lakas makabata. Baka mamaya 12 years old na or sila Nash Aguas na ang ka-partner ko. Nakakatuwa, ‘di ba? I get to work with these great talents,” ang pahayag ni Jodi sa isang panayam nang tanungin kung ano ang reaksiyon niya na mas bata ngayon ang mga leading man niya.

Pero sey ni Jodi, naniniwala siya na maganda ang materyal ng kanilang project at perfect kina JC at Joseph ang kanilang mga role.

“Sabihin na lang natin na bawat proyekto na dumarating sa akin, talagang ‘yung buong puso ko nilalagay ko doon and ‘yung time and effort. I think important factor siya kaya nagwo-work din ‘yung mga tandem and ‘yung mga proyekto mismo,” dagdag pa ng Kapamilya actress.

Kuwento ng isang babae na kailangang pumili kung itutuloy niya ang kanyang pangarap na magkaroon ng bonggang-bonggang buhay o ang makasama ang mga taong importante sa kanya.

“Doon sa journey niya, she meets two different men. The other one provides excitement and adventure and the other one naman provides security and stability. Sino ang pipiliin niya?” pahayag pa ni Jodi.

Pero kung mangyayari raw satunay na buhay ang mangyayari sa karakter niya sa pelikula “Kung ako, siyempre ‘yung may excitement and stability. Siyempre hindi naman puwedeng puro excitement and adventure pero wala namang stability and security. Feeling ko importante din na may balanse,” chika pa ni Jodi sa nasabing panayam.

Read more...