SINABI ni Sen. Panfilo Lacson na dapat na huli nang pagso-sori ni Pangulong Rodrigo Duterte matapos namang humingi ng paumanhin sa mga Jews matapos ikumpara ang kampanya kontra droga sa lider ng Nazi na si Adolf Hitler.
“Alam mo, dapat bawasan na yung pagso-sorry. Mag ingat na lang sya sa sasabihin kasi nakakasawa rin yung makarinig ng sorry parang nawawala na yung value ng pagso-sorry,” sabi ni Lacson.
Idinagda ni Lacson na walang saysay ang paghingi ng sori ni Duterte kung may sasabihin na naman siya na susundan ulit ng paghingi ng paumanhin.
“How many times has he said sorry already? Marami-rami na rin e, so kelangan last na sigurong pag so-sorry yun. Mag-ingat na lang sya sa sasabihin,” dagdag ni Lacson.
Nauna nang sinabi ni Duterte na masaya niyang kakatayin ang tatlong milyong adik sa bansa kagaya ng pagmasaker ni Hitler sa anim na milyong mga Jews na ikinagalit naman ng Jewish community sa iba’t ibang mundo.