PINAGSABIHAN ni Sen. Richard Gordon si Pangulong Rodrigo Duterte na maghinay-hinay sa pagsasalita sa harap ng mga kritisismo na kanyang natatanggap mula sa international media kaugnay ng madugong kampanya kontra droga.
Sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Senado kaugnay na umano’y extrajudicial killing sa bansa, sinabi ni Gordon na napapahamak si Duterte dahil na rin sa kanyang mga pahayag.
“I’m a senator. I can say that. I’m a friend but he can get angry with me and I cannot do anything about it but we have to protect the country from bad statements and the President has the duty to be a statesman,” sabi ni Gordon.
Sinabi pa ni Gordon na hindi dapat maringgan si Duterte ng masasamang salita, kasabay ng babala na ang magiging slogan na ng bansa ay “Welcome PI or Wow PI.”
Aniya, umaasa siyang naririnig ni Duterte ang kanyang sinasabi.
Idinagdag ni Gordon, na siyang chair ng justice committee, na dapat ituloy ng pulisya ang imbestigasyon kaugnay ng pagpatay ng mga suspek sa droga sa harap naman ng kritisismong natatanggap ng bansa kaugnay ng gera ng gobyerno kontra droga.
Gordon:Duterte sobrang ingay sa kampanya kontra droga
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...