2 patay, 11 sugatan sa banggaan ng bus at trak sa Quezon

quezon

PATAY ang dalawa katao, habang sugatan naman ang 11 iba pa matapos bumangga ang isang bus sa isang trak sa Quezon, Linggo ng gabi, ayon sa pulisya.
Sinabi ni Chief Insp. Jaytee Tiongco, Pagbilao police chief, na nag-swerve ang Wega Transport bus na papuntang Metro Manila, dahilan para bumangga ito sa isang delivery truck sa kahabaan ng Maharlika Highway sa Barangay Binahaan ganap na alas-10 ng gabi, kamakalawa.

Idinagdag ni Tiongco na dead on the spot ang driver ng bus na si Fidel Barata Jr. at driver ng trak na si Ronnel Gonzaga died.

Tinamaan din ng trak ang tricycle na minamaneho ni Carmelo Saavedra.

Ayon sa mga pulis, dinala ng mga residente at rescuer si Saavedra at 10 iba pang sakay ng bus at trak sa isang lokal ng ospital.

Read more...